Pamamahagi sa Pacac at Narvacan I
PANSAMANTALANG umahon mula sa pagtatanim ng palay at sibuyas sa bukid ang ilang mga nanay, tatay at kabataang taga sitio Balik-Balik ng Barangay Pacac at Narvacan Uno upang tanggapin ang Pamaskong Handog mula sa mga sponsor ng RNG noong Disyembre 22, 2011.
Mga nanay at tatay na naka sombrero at nakasalakot , nakasuot ng mahabang pang itaas at pang ibaba, naka yapak na kababakasan pa ng putik ang mga kamay at paa. Iyan ang ilang itsura ng mga magsasakang umahon.
Isa sa manananim na nakapanayam si Aling Nemencia Linsangan. Aniya, malaking tulong ang kanilang natanggap dahil kahit paano ay mayroon na silang pang noche buena.
Kahit na mainit ay matiyagang pumila ang 100benepisyaryo sa Pacac at 50 sa Narvacan I.
May ilan ding mga nanay na kahit may dalang mga maliliit na sanggol ay nagtiis na pumila para matanggap ang kanilang mga pang noche Buena.
samantala, napag-alaman na 80% ng residente sa Purok Balik-Balik ng Barangay Pacac ay ay pakikipag porsyentuhan at pakikitanim sa bukid ang pangunahing kabuhayan. Matatagpuan ang nasabing sityo sa boundery ng Barangay Narvacan 1




















