Barok nanaga ng amo

 

ISANG barok ang nanaga ng amo sa Barangay San Andress, bayan ng Quezon noong ika 22 ng Enero, taong kasalukuyan.

Ang biktima ay nakilalang si Eduardo Gamboa y' Diamsay, 52, may asawa, residente ng Barangay San Andress, may ari ng sinasakahan ng arestadong si Roger Gamboa y' Pinuela, 33, walang asawa at residente rin sa nabanggit na Barangay.

Sa imbestigasyon ng kapulisan ng Quezon, sa pangunguna ni Chief of Police Jonathan S. Alayan, dakong 6;00 ng umaga ng pwersahin ng biktima ang barok  na magtrabaho sa bukid ngunit hindi pumayag ang huli kaya’t nagkaroon ng matinding pagtatalo sa pagitan ng dalawa. 

Sa tindi ng pagtatalo ay naglabas ng bolo si Roger hinabol ang biktima hanggang sa ito ay kanyang mataga sa ulo na nagtamo ng matinding sugat.

Nakatakbo pa ang biktima upang humingi ng tulong sa mga kapitbahay habang ang barok ay umuwi sa kanilang bahay.

Nang makita ng mga kaanak ang kahabag-habag na kondisyon ng biktima ay dali-dali nila itong isinugod sa Sto. Domingo District Hospital at hindi nagtagal ay inilipat  sa PJG Hospital sa Cabanatuan.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, napag-alaman na ang  suspek ay dating may sakit sa pag iisip, noong  2008, ngunit gumaling noong nakaraang taon.

Samantala, agad namang nahuli si Roger at nakumpiska ang bolong ginamit sa pananaga. Sa ngayon ay nahaharap ito sa kasong frustrated homicide.