Hepe Renato David ng PNP Guimba, pinatwan ng administrative relieve, inilipat sa Prov'l HQ
PANSAMANTALANG inlipat sa Provincial Head Quarters (PHQ), sa Lungsod ng Cabanatuan, si Police Superintendent Renato David habang pumalit sa kanya ang 37 anyos na si Police Superintendent Reynaldo Dela Cruz, galing din sa PHQ, bilang officer in charge sa Guimba Police Station.
Sa panayam kay P/Spt Dela Cruz, nabatid na nilapatan ng administrative relieve si Hepe David para sa ginagawang imbestigasyon sa kaso ni Carranglan Mayor Restituto Abad kung saan ay inaalam kung nagkaroon ng administrative lapses, operation lapses at iba pang kaugnay na pagkukulang ang kapulisan ng Guimba at kung sakali mang mapatunayan na nagkaroon nga ng mga lapses ay maaari umanong makasuhan si Hepe David ng administrative case.
Aalamin din umano ang mga ginawa ni Hepe David matapos ang pamamaslang kay Mayor Abad at nakadepende sa imbestigasyon kung maibabalik pa o hindi si Hepe David sa Guimba.
Samantala, tututukan umano ni P/Spt Dela Cruz ang mga magkasunud-sunod na nakawan at hold-up ngayong 2012. Parararmihin ang mga checkpoints at isu-sustain lamang ang direktiba ng higher Head Quarters.
Hinnihintay na lamang umano ang approval ni Provincial Director Roberto Alligayu para sa kahilingan na 10 pulis sa NEPPO dahil sa kasalukuyan ay meron lamang 43 kapulisan ang himpilan sa kabila na 64 ang barangay sa Guimba.
Kahapon ay nagtungo si Hepe Dela Cruz sa Tanggapan ni Mayor Boyito Dizon para sa courtesy call.
Taong 2007 ng maging Group Director ng 307th Provincial Mobile Group si Dela Cruz, taong 2008-10 naman naging Hepe ng Sta. Rosa at naging operation officer sa Provincial Head Quarters.
Si Dela Cruz ay tubong Rizal at nagtapos sa Philippine National Police Academy sa Silang Cavite.
