Ihahatid na P158K cash, na-hold-up sa kawani ng money changer

 

NATANGAY ng kawatan ang halagang P158,000.00 cash na ihahatd sana ng kawani ng Gemini Exchange Incorporated sa barangay Sinulatan, bayan ng Guimba, kahapon (Mayo 7, 2012).

Ang kawani ay kinilalang si Benigno Sagun y' Malgana, 41, may asawa at residente ng # 527 Purok 3 ng Barangay Sto. Rosario, Sto. Domingo.

Sa spot report ng Guimba Police Station, nabatid na nitong Lunes, dakong 6:45 ng hapon habang binabagtas ni Sagun  ang lansangan ng Sinulatan para ihatid sa nagnganglang Nely Cariaga ng naturang Barangay, sakay ng kulay pulang Honda XRM na may plakang 6329 RF nang umanoy isang hindi nakilalang lalaki ang humarang sa daan  at nagdeklara ng hold-up.

Kinuha umano ng suspek ang ihahatid na pera (nakasuksuk sa bewang)  at  cellphone nito  habang iniwan naman ang  wallet na nasa kanyang bulsa.

Naglakad lamang umano palayo ang suspek at sumakay sa isang motorsiklo patungong barangay Bunol.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan, pinag-aaralan ang testimonya ng biktima.