"Kristong" nawawala, natagpuang patay
NATAGPUAN na ang nawawalang "kristo' sa sabungan ngunit ito ay bangkay na.
Sa panayam kay Aling Merly Cristobal, hipag ni "Bubong" Alejandro, taga Barangay Bacayao sa bayan ng Guimba, napanood sa TV ng, isang lingo na ang nakalilipas ng isa nilang kaanak na may natagpuang bangkay sa isang bakanteng lote sa Barangay Sta. Cruz , lungsod ng Tarlac at ng kanilang puntahan ang punerarya ay positibong nakilala si "Bubong".
Ayon pa kay aling Merly, isang linggo na ang bangkay ni "Bubong" sa Lotus Memorial Services, sa bayan ng Gerona nang ito ay matagpuan noong Huwebes (Enero 19, 2012), isang araw matapos itong umalis sa kanilang bahay.
Ayon sa punerarya ay in-autopsy na nila ang bangkay at lumalabas na ito ay namatay sa atake sa puso. Wala umanong tama ng baril o saksak sa katawan, subalit ipinagtataka ng pamilya ang mga pasa sa hitar atpagkawala ng wallet ng biktima. May nakapagsabi sa kanila na nanalo sa sabong si "Bubong" noong araw na ito ay nawala. Kahapon, ay naiuwi na ito at kasalukuyan nakaburol sa Bacayao.
Ayon sa asawa nitong si Aling Nora, sa tulong na ibinigay ni Mayor Boyito Dizon, mga kaibigan, kamag-anakan at samahan sa barangay na kinabibilangan ng biktima ay nakalikom siya ng P25,000.00 na pambayad sa Lotus Funeral upang maiuwi lamang ito sa kanilang tahanan. May balanse pa umanong P5,000.00.
Nagawa daw nilang mailabas ang labi ng asawa sa tulong nina SPO2 Sonny Exala at Mr. Jimbo Abad, mga taga Guimba na pulis sa Gerona, Tarlac.
