Ler De Guzman, nagdeklarang tatakbo sa 2013 election

 

HIGIT isang taon pa bago ang 2013 election ay ideneklara na ni dating Vice Mayor Ler De Guzman ng bayan ng Guimba ang pagtakbo sa susunod na eleksyon.

Sa ginanap na pagpupulong ng Partido ng Unang Sigaw kahapon, Pebrero 9, 2012,  sa Barangay Cawayan Bugtong na pinangunahan ni Governor Oyie Umali,  siniguro ni Ler sa panayam ng RNG ang pagtakbo sa susunod na halalan, subalit hindi pa nito sinabi kung anong posisyon.

Paliwanag ng dating Bise Alkalde, wala pa daw napag-uusapan at napag kakaisahan ang kanilang Partido, ngunit kung anuman daw ang  basbas ni Governor  ay kanyang malugod na susundin at tatakbuhan.

Sa panayam naman kay Governor Umali,  wala pa umano itong napupusuang patakbuhin sa pagka Punong Bayan sa Guimba.

Samantala, sinabi naman ni Col. Vergilio Fabros, tumakbong Alkalde sa nakaraang eleksyon, hindi muna ito tatakbo sa darating na halalan ngunit depende pa rin sa mapagkakaisahan ng Partido.