Mag-amang Viray ng Sto. Cristo, nahalughugan ng baril, bala, granada at shabu, Arestado!

ARESTADO ang mag-amang Viray matapos makuhanan ng baril , iba't-ibang klase ng bala at granada sa isinagawang paghahalughog sa tahanan nito sa barangay Sto. Cristo, Guimba, ng mga elemento ng Provincial Public Safety Company(PPSC) at ng Guimba Police Station, kahapon ng umaga, Oktubre 28, 2012.

Ang mag-amang Viray ay kinilalang sina Mang Alexander a.k.a. Alex, 67 at Erwin, 33, may asawa at residente sa P. Ramos Street ng nabanggit na barangay.

Sa spot report ng PPSC, dakong 10:30 ng umaga nang ipalad ang search warrant laban kina Mang Alexander at sa isang anak nito na si Alvin a.k.a. Botong (hindi naabutan).  Sa pangunguna nina Police Inspector Joey B. Cabatin at Inspector Rodolfo Racho ng PPSC, nakuha ang 1 kalibre 45 baril, 2 magazine para sa kalibre 45, 69 bala ng kalibre 45, 2 bala ng kalibre 9 mm, 31 basyo ng 9 mm, 1 bala ng kalibre 22 , 5 basyo ng kalibre 45  at isang hand grenade, 9 na lighter, 1 water pipe, 3 plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, posporo, 1 digital na timbangan, marijuana, 7 gunting, 1 roll ng aluminum foil, 1 syringe, 5 improvised toother at 1 yamaha sporty na motorsiklo na may plakang 1951 QH.

Samantala inaresto naman si Erwin, matapos na ito ay magtangkang tumakbo palabas ng bahay at nakuha mula dito ang isang blackberry cellphone at pinaghihinalaang shabu.

Ang mag-amang Viray ay dinala ng PPSC sa kanilang himppilan sa Lungsod ng Cabanatuan at inihahanda na ang kaukulang kasong paglabag sa RA 9165  o illkegal possession of fire arms, ammunitions and explosive at paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002. Kasama umano sa idedemanda ang pinaghahanap na si Botong.