P300, ibinigay na tulong ng SB para sa biktima ng paputok sa Norzagaray Bulacan na taga Triala.

 

SA laki  ng nagagastos sa pagpapagamot ni Noli Silva,  biktima ng  paputok sa Norzagaray, Bulacan, na taga Triala, bayan ng Guimba, isang buwan na ang nakakaraan, P300.00 lamang ang natanggap nitong tulong mula sa Sangguniang Bayan  (SB)ng Guimba.

Sa panayam kay Aling Teresita De Leon, kapatid ni Mang Noli, umaabot na sa halos P1M ang nagagastos sa pagpapagamot sa kanyang kapatid, kung kaya lahat na ng maaari nilang mahingan ng tulong ay kanilang nilalapitan.

Nang magtungo umano ang ama nitong si Mang Elpidio Silva sa SB upang manghingi ng tulong ay pinabalik pa ito ng Martes upang kunin ang P300.

Nabatid pa na kahapon ay nakatakdang  muling ooperahan sa mata si Mang Noli, na mabubulag na ang isang mata at kinakailangan na naman itong salinan ng dugo.

Baun na baon na umano sa utang sina Aling Teresita at kahit kabanan at porsyentuhan ay kanila ng kinukuhanan para lamang may maipadala sa Maynila na ginagamit sa pagpapagamot ng kanyang kapatid.

Matatandaang si Mang Noli ay nasabugan ng kanila sanag ibebentang paputok noong nakaraang ika-26 ng Disyembre (2011)kung saan ay namatay ang panganay nitong anak at hanggang sa ngayon ay lingid parin ito sa kanyang kaalaman.