PESO nag carrer coaching sa mga ga-graduate ng high school
HALOS isang buwang nag-ikot sa mga paaralan sa bayan ng Guimba ang Public Employment Service Office (PESO) para sa career coaching ng mga magtatapos sa high school. Sa pangunguna ni Gng. Fe Sañosa Peso Head officer ng Guimba kasama ang Peso Head officer din ng Talavera na si G. Jose Pepe Imana at ilang staff ng nasabing opisina ay sinimulan ang career coaching noong unang linggo ng Pebrero at natapos kahaponsa Mataas na Paaralan ng Manacsac. Ilan sa mga paaralang napuntahan ay ang Guimba National High School, Triala National High School, Galvan National High School, San Andres National High School at Nagpandayan National High School.
Ayon kay Gng. Sañosa, ang career coaching ay isinasagawa ng PESO sa lahat ng lalawigan at lungsod ng bansa. Naglalayon umanong hindi lamang manatiling high school graduate ang mga kabataaan kundi magpursiging mag-aral pa para sa mas magandang kinabukasan at mabawasan ang unemployment.
Ang nasabing proyekto ay nag-aalok din ng scholarship para sa mga matatalino at talentadong mag-aaral na hindi na makakapag kolehiyo dahil sa kakulangang pampinansyal.
Sa panayam kay G. Imana, sinabi nito na mabibigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na estudyante na makapagtapos ng kolehiyo at malaking bagay ang proyektong para malimitahan na rin ang mga out of school youth na naliligaw ng landas.
