Tagahanga ni Donaire, na-high blood ng tamaan ang iniidolo, Patay!
SA sobrang kasabikan sa panonood sa iniidolong boksingerong si Filipino Boxer Nonito Donaire, isang taga-hanga nito ang nag-high blood at na-knockt-out ni Kamatayan noong ika-pito ng Pebrero, araw ng Martes. sa Barangay Bibiclat, Bayan ng Alliaga.
Ang tagahanga ay kinilalang si Emiliano Aguilar, 64, may asawa at residente ng naturang lugar.
Ayon sa ina ni Aguilar, pinanood ni Aguilar, kasama ng 2 apo nito, ang replay video ng laban ni Donaire at habang nanonood ay sumasabay ang katawan nito sa pag-ilag na tila isang boksingero din, ngunit ng tamaan ng suntok iniidolo ay sumunod na lumupasay sa sahig si Aguilar.
Agad ay dinala sa Premiere Hospital sa Lungsod ng Cabanatuan si Aguilar ngunit hindi na naisalba ang buhay. Ayon sa Doktor na tumingin, tumaas ang presyon ni Aguilar na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.
Kasalukuyan ay nakaburol sa kanilang tahanan ang labi ni Aguilar at nakatakda itong ilibing sa linggo, Pebrero 12, ganap na 10:00 ng umaga.
