Treasurer ng Manggang Marikit, pina-blotter ni Kapitan sa pulisya
IPINA-BLOTTER ni Kapitan Joey Santiago ng Brgy. Manggang Marikit sa himpilan ng Pulisya ang Barangay Treasurer nito na si Gng. Euficita Mayo Pagatpatan dahil sa umanoy pandaraya nito ng mga dokumento, partikular ng tseke ng kanilang Barangay.
Sa talaan ng Guimba Police Station, mayroon umanong nadispalkong pondo ng Barangay na hindi pa matukoy ang halaga.
Sa panayam kay kapitan Santiago, buwan ng Enero ng taong kasalukuyan ng kanyang madiskubre ang pagkakadispalko ng kanilang pondo. Nakausap umano niya si Pagatpatan at umamin daw ito kaya inaayos umano niya ang problema.
Sinikap na kuhanan ng panig nsi Gng. Pagatpatan subalit tumanggi itong magbigay ng anumang impormasyon.
Samantala sinabi ni Municipal Accounting Officer Alvin Padre na hindi maaaring maglabas ng pondo ang isang Barangay Treasurer kung walang pirma ang Barangay Chairman sa tseke, kung saan nakasulat sa salita at numero ang halagang nais ilabas.
Dagdag pa ni Padre, kapag nakapaglabas na ang accounting office ng advice at kumpleto na ang mga dokumentong kinakailangan ay saka palang maaaring makapag labas ng pera sa banko.
