Local News

2012-02-21

 

MAGBIBIGAY ng pabuyang P1M ang Provincial Government at P100K naman ang  pamliya ni Carranglan Mayor Restituto Abad sa sinumang makapagtuturo sa gunman na pumatay sa naturang Mayor.

Ito ang nabatid kay Police Superintendent Reynaldo Dela Cruz, Officer in Charge ng Guimba Police Station.

2012-02-21

 

IPINA-BLOTTER  ni Kapitan Joey Santiago ng Brgy. Manggang Marikit sa himpilan ng Pulisya ang Barangay Treasurer nito na si Gng. Euficita Mayo Pagatpatan dahil sa umanoy pandaraya nito ng mga dokumento, partikular ng tseke ng kanilang Barangay.

Sa talaan ng Guimba Police Station, mayroon umanong nadispalkong pondo ng Barangay na hindi pa matukoy ang halaga.

2012-02-16

 

HINILING ng tagapangasiwa ng mga baratilyo at peryahan kay Punong Barangay Judy Dela Cruz ng Sta. Veronica District ang magdamagang pagbabantay ng kanyang mga Barangay Tanod, sa peryahan, para maiwasan ang mga insedenteng nakawan.

Ayon kay Kapitan Dela Cruz, kahapon ay nagtungo sa kanyang tanggapan si BakBak Repugia, caretaker ng peryahan, upang hilingin na ang kanyang mga tanod ay magbantay sa peryahan mula 8:00 ng gabi hanggang sa mag-umaga upang mapigilan ang mga taong mayroong binabalak na pagnanakaw sa mga baratilyo.

2012-02-16

 

MAGMULA ng magawa ang Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) ay sa Barangay Banitan, bayan ng Guimba na dumaraan ang mga sasakyang bus na Fermina, Florida, Five Star at iba pang mabibigat at malalaking sasakyan na nais mag short-cut papuntang Tarlac, Pampanga at Manila.

2012-02-14

 

PANSAMANTALANG inlipat sa Provincial Head Quarters (PHQ), sa Lungsod ng Cabanatuan, si Police Superintendent Renato David habang pumalit sa kanya ang 37 anyos na si Police Superintendent Reynaldo Dela Cruz, galing din sa PHQ, bilang officer in charge sa Guimba Police Station.

2012-02-11

 

SA sobrang kasabikan sa panonood sa  iniidolong boksingerong si Filipino Boxer Nonito Donaire, isang taga-hanga nito ang nag-high blood  at na-knockt-out ni Kamatayan noong ika-pito ng Pebrero, araw ng Martes. sa Barangay Bibiclat, Bayan ng Alliaga.

Ang tagahanga ay kinilalang si Emiliano Aguilar, 64, may asawa at residente ng naturang lugar.

2012-02-10

 

HIGIT isang taon pa bago ang 2013 election ay ideneklara na ni dating Vice Mayor Ler De Guzman ng bayan ng Guimba ang pagtakbo sa susunod na eleksyon.

Sa ginanap na pagpupulong ng Partido ng Unang Sigaw kahapon, Pebrero 9, 2012,  sa Barangay Cawayan Bugtong na pinangunahan ni Governor Oyie Umali,  siniguro ni Ler sa panayam ng RNG ang pagtakbo sa susunod na halalan, subalit hindi pa nito sinabi kung anong posisyon.

2012-02-10

 

KASALUKUYANG naglilibot ngayon ang  Guimba Municipal Planning and Development Office sa mga residenteng nakatira malapit sa mga ilog sa buong Bayan ng Guimba at nagsasagawa ng socio cconomic survey.

2012-02-10

 

HULI sa akto ng mga kapulisan ang 7 kalalakihan habang nagkakara-cruz sa Barangay San Roque West, bayan ng Guimba, kamakalawa.

Ang 7 na agad na naaresto ay kinilalaang sina Henry Bautista y Gumayagay, 32, binata; Hilario Dorigo y Tabago, 34, may asawa; Eulogio Bancifra Jr. y Daguio, 46, may asawa; Reggie Tango y Bruno, 23, may asawa; Samuel Bautista y Gumayagay, 32, may asawa, April Jay Bancifra y Sumawang, 18, binata; Mark Anthony Bancifra y Sumawang, 25, may asawa, lahat ay residente ng naturang Barangay.