Pagtatanim ng Gulay at Herbal sa Bakuran Pinanawagan sa Barangay Yuzon

Written by: 
RNG FM News/SETYEMBRE 01, 2009
Program: 

NITONG nakalipas na Sabado, pinanawagan ng Radyo Natin Guimba ang Operation Damayan ang pagtatanim ng gulay at herbal sa bakuran ng mga kabahayan sa buong Barangay ng Yuzon.

Sa isang pagtititpon sa eskwelahan na dinaluhan ng mga batang estudyante sa day-care at elementarya, mga magulang at kabataan, nagkaroon ng munting programa na tinalakay ang kahalagahan sa pagtatanim ng mga gulay at halamang -gamot na siyang paniyak na pagkain sa mga hapag kainan at alternatibong panlunas sa mga karaniwang sakit.

Sumama at sumuporta sa aktibidad sina 1st Dist. Board Member Cesar Cucio, Mayor Boyito Dizon, Jollibee Guimba at ang buong Barangay Council na pinamumunuan ni Brgy. Captain Carlito Castro.

Nagbigay ng organic fertilizer ang ENRO, nagbigay naman ng mga butong gulay gaya ng talong, ampalaya, kalabasa, kamatais, sili, sitaw, upo, patola, mais at iba pa si Prof James Quilantang, Bokal Cucio at CBHP-Nueva Ecija. Pinaghatian ng 6 na purok ang mga buto bilang pandagdag lamang sa sariling kaparaanan ng mga residente na makapagtanim ng iba't-ibang uri ng gulay at halamang -gamot.

Sama-samang nakitanim sa mga inihandang sakong may lupa na na ipinuwesto sa paligid ng eskwelahan sina Mayor Dizon, Bokal Cucio, Kapitan Castro at si Jollibee.

Samantala, nagbigay naman ng 2 kahon na mga plato ang Jollibee Guimba na bumagay sa isinabay na feeding program para sa mga bata. Kaya matapos ang maikling seremonya ay umaatikabong kainan na ng masarap na egg-caldo ang sumunod na sinundan pa ng sama-smang panaghalian na inihanda ng Konseho para sa lahat ng mga dumalo sa pagtititpon.

Sa mga darating nabuwan naman muling magtutungo ang RNG sa Barangay Yuzon upang makita ang mga itinanim.