KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-15 MARSO, 2010

SB logo.jpg

KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA, NOONG IKA-15 MARSO, 2010 NA GINANAP SA BULWAGANG PULUNGAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA.

MGA DUMALO:

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Vice Mayor & Presiding Officer
KGG. ERWIN J. MATEO - SB Kagawad
KGG. GAVINO M. LACSON, JR. - SB Kagawad
KGG. LINO G. PADRE, JR. - SB Kagawad
KGG. EDGARDO P. MANGALINO - SB Kagawad
KGG. PEDRO G. CABATBAT - SB Kagawad
KGG. PEDRO M. ESTABILLO - SB Kagawad
KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL - SB Kagawad

DI DUMALO:

KGG. ARI VERGIL P. FABROS - SB Kagawad
KGG. LEONARDO DC. GARCIA - ABC President
KGG. ATHENA ROXANNE A. GRAGASIN - SK President

______________________________________________________________________________

A.PAGBUBUKAS NG PULONG: KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN

Ang pagpupulong ay binuksan ni Kgg. Presiding Officer at Municipal Vice Mayor Ler De Guzman sa ganap na ika – 9:30 ng umaga.
______________________________________________________________________________

B.PANALANGIN:

Ang panalangin ay pinangunahan ni Kgg. Lino G. Padre, Jr. .
______________________________________________________________________________

C.PAMBANSANG AWIT:

Ang pambansang awit ay pinangunahan ni G. JC Galicia.
______________________________________________________________________________

D.PAGTIYAK SA MGA DUMALO:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Kagalang-galang na Presiding Officer, Pito (7) sa mga konsehal ng bayan ang dumalo at tatlo po ang wala. May sapat po tayong bilang upang magpatuloy ang pagpupulong.
______________________________________________________________________________

E.PAGPAPATIBAY SA NAKARAANG KATITIKAN:

KGG. LINO G. PADRE, JR. - Mr. Chairman, yamang wala namang puna sa nakaraang katitikan, iminumungkahi ko po na atin nang pagtibayin.

KGG. PEDRO M. ESTABILLO - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Lino G. Padre, Jr. at pinangalawahan ni Kgg. Pedro M. Estabillo ay atin ng pinagtitibay ng walang pagbabago ang nakaraang katitikan.
______________________________________________________________________________

F.MALAYANG TALAKAYAN/ORAS NG PAGTATANONG:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa Malayang Talakayan at Oras ng Pagtatanong.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Mr. Chairman, ito po ay hinggil sa Fermina, ang SB ay nagpatibay ng isang Kapasyahan na pumipigil sa Fermina Bus na pumarada saan mang lugar dito sa Guimba, ang tanong po kc ng mga drivers ng Guimba – Tarlac Transport Service kung bakit hindi naipapatupad ang nasabing resolusyon, tama lamang na nakakatulong ang Fermina sa mga commuters pero mahalaga din po ang may prangkisa, wag naman po sanang mangyari kung halimbawa maaksidente pano na po ang mga sakay nito? Napakahaba na po ng panahon upang asikasuhin sana ng bus company ang prangkisa nito, iminumungkahi ko po na ipatupad na ang resolusyon na pansamantalang patigilin sa pagbyahe ang Fermina habang wala pang prangkisang naipapakita ang bus company.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Salamat, noong mga nakaraang panahon ay inimbitahan natin ang PNP pero hindi pa nila ipinapatupad hanggang ngayon.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - Dapat po siguro ay tawagan na ang Head Office ng Fermina bus upang asikasuhin ito agad, sa teknikalidad ay may pinanghahawakan ang mga drivers ng Guimba – Tarlac Transport Service baka tayo ay makasuhan.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Patawag natin si Hepe.

KGG. PEDRO G. CABATBAT - Patawag din natin si MPDC, s’ya ang may alam sa number ng Fermina sa Maynila.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Meron pa po ba? Kung wala na dadako na tayo sa susunod na paksa.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa mga Paksa sa unang pagbasa.
________________________________________________________________________________

G. MGA PAKSA SA UNANG PAGBASA:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ -
1) Approval of annual Budget of Barangays Balbalino, San Roque, Calem, San Andres, Manacsac, Culong, Casongsong, Partida I, Sta. Veronica, San Agustin, Macamias, Subol, Lamorito, Cardinal, Lennec, Tampac 1, Caingin Tabing Ilog, Consuelo, San Marcelino, Manggang Marikit, Yuson, Bacayao, Guiset, Triala, San Bernardino and St. John for the year 2010.

KGG. GAVINO M. LACSON, JR. - Mr. Chairman, yamang ito po ay nareview na ng Budget Officer at napagtibay na ng mga Sangguniang Barangay ang pagpapatibay sa annual Budget ng Barangay Balbalino, San Roque, Calem, San Andres, Manacsac, Culong, Casongsong, Partida I, Sta. Veronica, San Agustin, Macamias, Subol, Lamorito, Cardinal, Lennec, Tampac 1, Caingin Tabing Ilog, Consuelo, San Marcelino, Manggang Marikit, Yuson, Bacayao, Guiset, Triala, San Bernardino at St. John for the year 2010 ay iminumungkahi ko na atin nang pagtibayin.

KGG. LINO G. PADRE, JR. - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Sa mungkahi ni Kgg. Gavino M. Lacson at pinangalawahan ni Kgg. Lino G. Padre, Jr. ang approval ng Annual Budgets ng Barangay Balbalino, San Roque, Calem, San Andres, Manacsac, Culong, Casongsong, Partida I, Sta. Veronica, San Agustin, Macamias, Subol, Lamorito, Cardinal, Lennec, Tampac 1, Caingin Tabing Ilog, Consuelo, San Marcelino, Manggang Marikit, Yuson, Bacayao, Guiset, Triala, San Bernardino at St. John for the year 2010 ay ating pinagtitibay.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Narito na po ang Chief of Police n gating bayan, maaari nap o natin siyang unahin.

KGG. LINO G. PADRE, JR. - I move to suspend the rules.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - granted.

(Dito ay tinanong ng mga Sangguniang Bayan members at ng Presiding Officer si Hepe tungkol sa pagpapatupad ng resolution ng SB sa pagpapatigil sa Fermina Bus na mag-operate sa dahilang ito ay walang prangkisa.)

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ -
2) Ang pangalawa po ay ang kahilingan ng Brgy. Sta. Veronica District ng Kapahintulutan sa Pamahalaang Bayan na Gamitin ng nasabing Brgy. ang Pambayang Auditorium, at ang mga kalye ng Juliano at Danzalan sa Panahon ng kanilang Brgy. Fiesta.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Ang kahilingan ng Brgy. Sta. Veronica District ng Kapahintulutan sa Pamahalaang Bayan na Gamitin ng Nasabing Brgy. ang Pambayang Auditorium, at ang mga kalye ng Juliano at Danzalan sa Panahon ng kanilang Brgy. Fiesta ay ating ipapasa sa Committee on Brgy. Affairs.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ -
3) Ang pangatlo po ay Resolution Requesting the Hon. JFS M. Dizon, Municipal Mayor, for the Reproduction and Enlargement of “Himno ng Guimba” on Pieces of Tarpaulin Sheets to be Posted to Public and Private Entities in the Municipality of Guimba. Tagapanukala: Kgg. LINO G. PADRE, SR.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - ang Resolution Requesting the Hon. JFS M. Dizon,
Municipal Mayor, for the Reproduction and Enlargement of “Himno ng Guimba” on Pieces of Tarpaulin Sheets to be Posted to Public and Private Entities in the Municipality of Guimba. Tagapanukala: Kgg. LINO G. PADRE, SR. ay ating ipapasa sa Committee of Finance.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ -
4) Ang pang-apat po ay Kahilingan ng Mag-asawang G. Rodrigo C. Tabing at Gng. Corazon M. Tabing ng Kapahintulutan ng Pamahalaang Bayan na Mailibing sa Kanilang Sariling Lupa/Lote sa Brgy. Maturanoc.Pagdating ng Araw na sila ay Mahimlay at Pumanaw Upang Makapiling ng Maluwalhati ang Dakilang Panginoon na Lumikha ng Buhay at Lahat ng Bagay.Tagapanukala: Kgg. MELCHOR L. ESQUIVEL

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Ang nasabing kahilingan ay ating ipapasa sa Committee on Ways and Means.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ -
5) Ang pang Lima po ay Resolution for Account closure of PNB-Guimba Checking Account No. 6268500772 of the Municipality of Guimba with an outstanding Balance amounting to P5,000.00.

KGG. GAVINO M. LACSON, JR. - Mr. Chairman, ito naman po ay accounts closure lang, maaari na po natin itong pagtibayin.

KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL - Pinapangalawahan ko po.

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Ang resolution for Account closure of PNB-Guimba Checking Account No. 6268500772 of the Municipality of Guimba with an outstanding Balance amounting to P5,000.00 ay atin nang pinagtitibay.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ - Tayo po’y dadako na sa pag-uulat ng mga Lupon / Kumite.
________________________________________________________________________________

H. PAG-UULAT NG MGA KUMITE:

KGG. ROSELLER T. DE GUZMAN - Kung walang mag-uulat sa ating mga kagalang-galang ay dumako na tayo sa susunod na Paksa.
________________________________________________________________________________

I. MGA DI NATAPOS NA GAWAIN:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ -
1. Ang Usapin tungkol sa mga Ordinansa/Resolusyon ng Brgy. Sta. Veronica District na nangangailangan ng Pagpapatibay ng Sangguniang Bayan Tulad ng mga sumusunod:
a. Paraan ng Tamang Pagkuha ng mga Municipal Permits.
b. Parking Fee sa halagang P2 Kada Namamasadang Tricycle sa nasasakupan ng Brgy.
c. Kahilingan para sa Sertipikasyon ng Sangguniang Bayan sa Kanilang Ordinansa Blg. 05-09 o ang Ganap na Pagkilala ng Anim (6) na Kalye ng Sta. Veronica na kinabibilangan ng Cabatbat, Sangueza, Ongsingco, Legarda, at Balaba na Naisumite sa SB noong Mayo 4, 2009.

KGG. LINO G. PADRE, JR. - Mr. Chairman, sa tingin ko po ay hindi na problema ng Sangguniang Bayan ang paksang ito dahil nagampanan na po ng SB ang kaniyang tungkulin. Ang pangatlo naman po ay napagtibay na ito ng Sangguniang Bayan at hindi na po kailangan ng kapasyahan. Ang pang-una at pangatlo ay alisin na po natin sa agenda. Ang pangalawa naman po ay suspended po ang nasabing usapin dahil ito po ay may Memorandum Circular at Executive Order na pansamantalang nagpapatigil sa lahat ng singilin ng LGU sa transport sector.
_________________________________________________________________________________

J. PAHATID LIHAM:

WALA PONG NAKATALA
_________________________________________________________________________________

K. URGENT MEASURE:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ -
1) Resolution Amending SB Resolution No.19-S-2010 Dated February 15, 2010 and the Subscription Agreement Thereof in Relation to the NPS by DBM to the Municipality’s share to the Tobacco Excise Tax.

KGG. GAVINO M. LACSON, JR. - Mr. Chairman, ang Resolution Amending SB Resolution No.19-S-2010 Dated February 15, 2010 and the Subscription Agreement Thereof in Relation to the NPS by DBM to the Municipality’s share to the Tobacco Excise Tax ay iminumungkahi ko po na ito ay atin nang pagtibayin.

KGG. PEDRO M. ESTABILLO - Pinapangalawahan ko po.

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ -
2) Resolution for Financial Assistance to fire victims, Mrs. Milagros Temperante and Family of Purok 2, Brgy. Maturanoc, Guimba, NE. (Attached Certifications from BFP and DSWD).

KGG. LINO G. PADRE, JR. - Mr. Chairman maaari po nating pagkalooban ng P5,000.00 financial assistance ito, kaya iminumungkahi ko po na ito ay atin nang pagtibayin.

KGG. EDGARDO P. MANGALINO - bago po natin pagtibayin ito po ba ay regular na ibinibigay? Ganon din po bas a mga susunod na mga masusunugan?
_______________________________________________________________________________

L. MGA PAKSA SA IKALAWANG PAGBASA:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ -
1) An Ordinance Regulating Motorized Tricycle in the Municipality of Guimba.
Proponent: Kgg. Pedro G. Cabatbat.

KGG. PEDRO G. CABATBAT - Sa kadahilanang ito ay kinakailangan na sa dami na po ng tricycle na pumaparada kung saan-saan, iminumungkahi ko po na ito ay madala na sa ika-3 pagbasa.

KGG. MELCHOR L. ESQUIVEL - Pinapangalawahan ko po.
________________________________________________________________________________

M.MGA PAKSA SA IKATLONG PAGBASA:

SB SEC. JOEL P. ENRIQUEZ -
1) SB Kapasyahan Blg. 42-S-2010 - Ang Kahilingang Tulong Pinansiyal ng Pamahalaang Bayan na gugugulin ni P/INSP. ARNALDO S. MENDOZA, JR. sa pagsasanay ng PUBLIC SAFETY OFFICERS BASIC COURSE EXTENDED 2010-109 UNIFORM sa PNP Regional Training School, Mabalacat, Pampanga, sa loob na anim (6) na buwan mula Enero 28 – Hulyo 27, 2010 sa halagang P9,000.00.

KGG. LINO G. PADRE, JR. - Ang SB Kapasyahan Blg. 42-S-2010 - Ang Kahilingang Tulong Pinansiyal ng Pamahalaang Bayan na gugugulin ni P/INSP. ARNALDO S. MENDOZA, JR. sa pagsasanay ng PUBLIC SAFETY OFFICERS BASIC COURSE EXTENDED 2010-109 UNIFORM sa PNP Regional Training School, Mabalacat, Pampanga, sa loob na anim (6) na buwan mula Enero 28 – Hulyo 27, 2010 sa halagang P9,000.00 ay atin nang pagtibayin.

KGG. PEDRO G. CABATBAT - Pinapangalawahan ko po.

KGG. GAVINO M. LACSON, JR. (Presiding Officer) - ang SB Kapasyahan Blg. 42-S-2010 - Ang Kahilingang Tulong Pinansiyal ng Pamahalaang Bayan na gugugulin ni P/INSP. ARNALDO S. MENDOZA, JR. sa pagsasanay ng PUBLIC SAFETY OFFICERS BASIC COURSE EXTENDED 2010-109 UNIFORM sa PNP Regional Training School, Mabalacat, Pampanga, sa loob na anim (6) na buwan mula Enero 28 – Hulyo 27, 2010 sa halagang P9,000.00 ay atin nang pinagtitibay.

_______________________________________________________________________________

N.IBA PANG TALAKAYIN:

WALA PONG NAKATALA.
_______________________________________________________________________________

O.PAGTITINDIG NG PULONG:
Iminungkahi ni Kgg. Pedro M. Estabillo na ang pulong ay itindig na at pinangalawahan ng lahat.
Naitindig ang pulong sa ganap na 10:52 ng umaga.

INIHANDA NI:

JOEL P. ENRIQUEZ
SB Secretary

PINATOTOHANAN:

Kgg. ROSELLER T. DE GUZMAN
Municipal Vice Mayor & Presiding Officer

Isinulat ni: 
SB Secretary JOEL P. ENRIQUEZ