3 Pasasalamat 3 Paumanhin sa 6 na taong pag-iral ng Radyo Natin Guimba (Oktubre 31, 2010)

in
PICT0356.JPG

I.
Salamat sa PAKIKINIG
Hindi man kagandahan ang aming mga tinig
At nakaka-aliw ang aming sinasabi
Nasa himpilan ka bawat saglit

II.
Salamat din sa PAGTITIWALA
Hindi pa lubusang tayo'y magkakilala
Pagdamay sa masa
Iyong pinaunlakan

III.
Higit sa lahat, salamat sa PAGSAMA
Hindi lang sa piging
O para sa sarili
Pagkilos na alay tumatatag

IV.
Gayunman, paumanhin sa PUNA
Batid namin itoy alam mo rin
Ngunit tila di mo pansin
Hagupit ng iyong operandi

V.
Paumanhin din sa KAKULITAN
Naniniyak lang na may saysay
Dahil sa umaasang
Ayaw nating mapariwara

VI.
At lalo't higit, paumanhin sa TINATAMAAN
Walang personalan
Gusto ka naming makaibigan
Sa matwid na kairalan

Mabuhay po tayong lahat radyo natiy anim na taon na...

Isinulat ni: 
Diego Poklong