SUPORTAHAN... Operation Damayan Gamit Eskwela Alay sa mga Bata 2011
"PANULAT AT PAPEL NA ATING IPAGKAKALOOB
GUGUHIT SA PUSO'T LILIMBAG SA ISIPAN
MALASAKIT SA KAPWA'Y SISIBOL NG LUBOS
SA BAYANG INIIROG NG MGA BATANG KAPOS"
Mahal na Kaibigan,
Sa Hunyo 2011, muli nating suportahan ang mga batang magsisipag-aral sa mga pampublikong elementarya dito sa Guimba. Tayo’y magsama-sama sa proyektong Operation Damayan Gamit-Eskwela Alay sa mga Bata 2011.
Gawin na po nating regular na tungkulin taun-taon, kasama ang Radyo Natin Guimba at iba pang mga sponsors, ang pagbibigay ng notebook, papel, lapis, ballpen at krayola sa mga batang kinakapos.
Nanatili kasi ang maraming bilang ng mga batang hindi pumapasok sa ekswela o humihinto ng pag-aaral. Sa datos ng Pulse Asia noong nakaraang taon, “Out of evey 100 Filipino children of the right age, roughly 10 never enter a classroom at all. And out of every 100 children who do, 14 drop out before they reach Grade 2.”
Sa bawat halaga o bagay na ating ipagkakaloob ay pakikibahagi sa panawagang "Ang edukasyon ay isang karapatan at hindi pribilehiyo".
Kaya muli, tayo po’y magsama-sama at magdamayan sa ikatatagumpay ng ika-5 taon ng proyektong ito. Ipadala po ang inyong suporta sa himpilan ng Radyo Natin Guimba, Pantaleon Bldg., P. Ramos St., Sto. Cristo, Guimba, Nueva Ecija.
Para sa kagyat na kabatiran sa iba pa ninyong katanungan, kumontak po sa telepono bilang (044) 6110511, 09296097029 o lumiham sa rngfm@yahoo.com.
Maraming pong Salamat at Mabuhay Kayo!
Gumagalang,
(SGD) GIE HERRERA
Station Manager