Kagawad Ben Ruflo Pumalit bilang Punong Barangay ng Tampac Uno

Written by: 
RNG FM News/HUNYO 29, 2011
Program: 

Pormal ng pumalit bilang bagong Punong Barangay ng Tampac Uno si Unang Kagawad Ben Ruflo bilang kapalit ni yumaong Kapitan Eduardo Dela Cruz.

Nitong Lunes, sa ginanap na sesyon ng Sangguniang Bayan (SB) sa Barangay Catimon, ipinakilala ni Konsehal Tony Agapito si Ruflo bilang Acting Barangay Captain ng Tampac Uno. Kasama ni Ruflo ang kanyang 7 Kagawad.

Si Ruflo ay pormal na naging acting Brangay . Captain matapos pumirma sa appointment paper nito noong ika-21 ng Hunyo ng taong kasalukuyan. Sa Ika-10 ng Hulyo, nakatakda ang unang sesyon nito sa Sangguniang Barangay.

Sa panayam kay Kapitan, sinabi nito na itutuloy niya ang lahat ng proyektong naumpisahan ng yumaong Punong Barangay. Hangad umano niya na makapg serbisyo ng maayos sa mga ka-barangay.

Samantala, ipinakilala rin ang pampitong Kagawad na siyang pumuno sa kakulangan ng Sangguniang Barangay ng Tampac Uno. Umupo bilang Kagawad ang 27 taong gulang at nag-iisang anak na babae ni Kapitan De la Cruz na si MoonYeen Dela Cruz.

Sa panayam kay Moonyeen, wala pa itong masabing plano dahil sa hindi pa naman umano nito napipirmahan ang kanyang appointment papers..