Pagsasaka ng Mambayu sa dating Asyenda Davis Nabulabog sa paglilitrato ng Listasaka
KINUHANAN ng mga larawan ng ilang miyembro ng Listasaka ang pagsasaka o paggawa ng grupo ng Mambayu, sa dating Asyenda Davis kahapon, Hunyo 28, dakong 9:30 ng umaga. Bagay na gumambala sa mga kasapi ng Mambayu na nag-akalang papasukin ng ng Listasaka ang pinagtatalunang lupain.
Sa impormasyong nakarating sa RNG, naitaboy ang grupo ng Lsitasaka na pumasok sa lupain ng dating Asyenda Davis matapos na makapagtipon ng malaking bilang sa gitna ng bukid ang mga kasapi ng Mambayu.
Agad ay nagtungio ang RNG news team upang kumpirmahin ang natanggap na impormasyon mula sa isang concerned citizen. Doon ay nakapanayam si Kagawad Romy Viernes, kasama sa grupo ng Listasaka na pumasok sa nasabing lupain. aniya, nagtungo sila sa bukid dahil order umano ni Police Superintendent Renato David, Guimba Chief Of Police, na kuhanan ng mga larawan at video ang sinumang miyembro ng Mambayu na gagawa sa pinagtutunggaliang 82 ektaryang lupain sa Barangay Manggang Marikit.
Nang matanong kung para saan ang mga larawang kinuha, sagot ni Kagwad ay hindi niya alam. Wala ring nakasagot sa mga kasama nitong mga Listasaka. Anila, inikot lamang nila ang bukid at kinunan ng mga litrato ang mga miyembro ng Mambayu na gumagawa sa bukid at hindi upang pasukin na ito.
Samantala, ang mga miyembro ng Listasaka na pumasok sa bahaging malapit sa fishpond ay kinabibilangan nina Andres Gampoy, Rodolfo Santiago, Romy Viernes, Gloria Melegrito at Ito Gampoy. Kasama nila ang 2 miyembro ng 81st Infantry Battalion na nakabase sa Barangay Manggang Marikit na tumangging ibigay ang kanilang mga pangalan. Tumanggi ding magbigay ng anumang pahayag dahil wala umano ang kanilang opisyal na si 1st Lieutenant Iranio Villamel.
Ayon naman kay Mang Boyet Salviejo, may-ari ng tractora na gumagawa sa pinagtatalunang bukirin, nasa 10 katao ang mga nagpunta kasama nga ang 2 sundalo at isang kagawad ng Barangay at kumuha lamang naman umano ng mga larawan at videos.