Fuel subsidy ni PNoy Ibinigay ng cash sa 3,400 tricycle drivers sa bayan ng Guimba
MAHIGIT sa kalahating milyong pisong cash ang ibinigay umano sa may 3,400 tricycle drivers sa bayan ng Guimba bilang fuel subsidy ng Pamahalang Nasyunal sa transport sectors.
Sa ulat ni Konsehal Jing Cabatbat, Committee Chair on Transportation, sa nakaraang sesyon ng Sangguniang Bayan (SB) ng Guimba sa Barangay Catimon noong Hunyo 27 ng taong kasalukuyan, tumanggap ng tig -P150 cash ang may 3,400 tricycle driver sa bayan ng Guimba.
Sa impormasyong nakuha sa Municipal Planning and Development Office (MPDO), humigit 3,400 mga tricycle driver na rehistrado at may prangkisa ang pinapasadang tricycle. sinimulan umano ng MPDO ang pamamahagi noong nakaraang ika-22 ng Hunyo ng umaga at natapos ng hapon ng Hunyo 24.
Ayon kay Jojo Marzan, TODA Federation President sa bayan ng Guimba, maliit ang ibinigay na fuel subsidy at sa loob lamang ng isang araw ay naubos na nila ito. Sana man lamang umano ay ginawa itong P500.00.