Screening sa MAMBAYU Nakatakdang gawin ngayopng araw

Written by: 
RNG FM News/HULYO 1, 2011
Program: 

Isasagawa ngayiong araw sa tanggapan ng Municipal Agrarian Reform Officesa bayan ng Guimba ang screening sa 65 myembro ng Mambayu na kabilang sa listahan ng mga humling na mapasama sa magiging agrarian beneficiaries ng datting Asyenda Davis,sa Barangay Manggang Marikit.

Ayon kay Municipal Agrarian Ferom Officer Lorna Cayetano, ilan sa mga pamantayan na kanilang napag usapan sa Provincial Agrarian Reform Office (PARO) noong nakaraang linggo, una; ang mga aplikante ay dapat na residente ng Manggang Marikit at ikalawa; ang mga petitioners ay hindi nagsasaka ng mahigit sa 3 ektaryang bukirin.

Inaasahang makaktuwang nila si PARO Renato Escobar sa nasabing gawain kasama si Comprehensive Agrarian Reform Program Officer Jun Lopez at mga abogado mula sa Legal Division ng PAR. Inaasahang dadalo ang 3 Punong Barangay ng Mangang Marikit, Bagong Barrio at Yuson na sina Kapitan Joey Santiago, Jerry Cortez at Carlito Castro.

Samantala, sa inisyal na impormasyon ng MARO, 11 tao mula sa listahan ang mayroong ng sinasakang bukid bukod pa sa tig- kakalahating ektaryang pwesto sa Asyenda Davis.