Get involved. Support us.
Get Involved. Help us support our services. Please send donation details using the Contact Us page.
Operation Damayan Gamit Eskwela Alay sa mga Bata 2011
"PANULAT AT PAPEL NA ATING IPAGKAKALOOB
UUKIT SA PUSO'T LILIMBAG SA ISIPAN
MALASAKIT SA KAPWA'Y SISIBOL NG LUBOS
SA BAYANG INIIROG NG MGA BATANG KAPOS"
Mahal na Kaibigan,
Sa Hunyo 2011, muli nating suportahan ang mga batang magsisipag-aral sa mga pampublikong elementarya dito sa Guimba. Tayo’y magsama-sama sa proyektong Operation Damayan Gamit-Eskwela Alay sa mga Bata 2011.
Gawin na po nating regular na tungkulin taun-taon, kasama ang Radyo Natin Guimba at iba pang mga sponsors, ang pagbibigay ng notebook, papel, lapis, ballpen at krayola sa mga batang kinakapos.
Nanatili kasi ang maraming bilang ng mga batang hindi pumapasok sa ekswela o humihinto ng pag-aaral. Sa datos ng Pulse Asia noong nakaraang taon, “Out of evey 100 Filipino children of the right age, roughly 10 never enter a classroom at all. And out of every 100 children who do, 14 drop out before they reach Grade 2.”
Sa bawat halaga o bagay na ating ipagkakaloob ay pakikibahagi sa panawagang "Ang edukasyon ay isang karapatan at hindi pribilehiyo".
Kaya muli, tayo po’y magsama-sama at magdamayan sa ikatatagumpay ng ika-5 taon ng proyektong ito. Ipadala po ang inyong suporta sa himpilan ng Radyo Natin Guimba, Pantaleon Bldg., P. Ramos St., Sto. Cristo, Guimba, Nueva Ecija.
Para sa kagyat na kabatiran sa iba pa ninyong katanungan, kumontak po sa telepono bilang (044) 6110511, 09296097029 o lumiham sa rngfm@yahoo.com.
Maraming pong Salamat at Mabuhay Kayo!
Gumagalang,
(SGD) GIE HERRERA
Station Manager
KAISAHAN NG MGA PUNONG BARANGAY SA KANLURAN AT HILAGANG BAHAGI NG GUIMBA, NUEVA ECIJA BLG. 01-2010
REPUBLIKA NG PILIPINAS
LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA
BAYAN NG GUIMBA
KAISAHAN NG MGA PUNONG BARANGAY SA KANLURAN AT
HILAGANG BAHAGI NG GUIMBA, NUEVA ECIJA BLG. 01-2010
KAPASYAHANG PAMUNUAN ANG PETISYON NG MAMAMAYAN PARA SA PROYEKTONG PATUBIG SA KANLURAN AT HILAGANG BAHAGI NG GUIMBA, NUEVA ECIJA.
YAYAMANG, inilunsad ng Pamahalaang Nasyunal ang Casecnan Multipurpose Irrigation and Power Project (CMIPP) para patubigan libu-libo pang ektrayang palayan sa Lalawigan ng Nueva Ecija kasama ang mga bukirin sa kanluran at hilagang bahagi ng Bayan ng Guimba;
YAYAMANG, ang pagsasaka ang pangunahing kabuhayan sa aming mga Barangay na sa kasalukuyan ay lubhang magastos sanhi ng pagtaas ng presyo ng krudong gamit sa mga makinang patubig; at
YAYAMANG, kahilingan ng mga magsasaka at manggagwang bukid na mayoryang bumubuo sa aming mga Barangay na magpatupad ang pamahalaan ng kaaya-ayang sistema ng patubig sa mga sakahan;
DAHIL DITO:
AMING PINAGPASYAHAN, BILANG MGA PUNONG BARANGAY NA SUMASAKLAW SA KANLURAN AT HILAGANG BAHAGI NG BAYAN NG GUIMBA, NUEVA ECIJA NA PAMUNUAN ANG PETISYON PARA SA KATUPARAN NG PHASE 2 NG CASECNAN IRRIGATION COMPONENT AT ANG REHABILITASYON NG MGA SAPA AT ILOG NA MATATAGPUAN SA AMING MGA SINASAKUPANG BARANGAY .
PINAGTIBAY ANG KAPASYAHANG ITO, SA GINANAP NA KAPULUNGAN NG MGA PUNONG BARANGAY NOONG IKA-23 NG HULYO, 2010 SA COMPOUND NG RADYO NATIN GUIMBA SA STO CRISTO DISTRICT, GUIMBA, NUEVA ECIJA.
MGA PUNONG BARANGAY
Kgg. Charlie G. Velasco (Macamias); Kgg. Ludivico L, Guieb (Ayos Lomboy); Kgg. Carlito P. Castro (Yuson); Kgg. Carlito F. Soriano (Pacac); Kgg. Celestino C. Gamit (Lamorito); Kgg. Joey G. Santiago (Manggang Marikit); Kgg. Melchor E. Cabatbat (Lennec); Kgg. Adelina B. Tabios (San Marcelino); Kgg. Teodoro M. Rivera (Guiset); Kgg. Reynaldo C. Cayog (Partida I); Kgg. Juanita Sawit (Bacayao); Kgg. Roman B. Barroga (San Rafael); Kgg. Raymundo R. Bautista (Bagong Barrio); Kgg. Remedios L. Cabanting (Casongsong); Kgg. Rodolfo. B. Payog (Cavite); Kgg. Virgilio M. Pioquinto (Maybubon); Kgg. Fernando A. Wanta (Narvacan I); Kgg. Romeo E. Javier (Narvacan II); Kgg. Rodolfo N. Villarama (Pasong Inchic); Kgg. Dario L. Galdonez (San Agustin); Kgg. Alfredo Angel (Escaño); Kgg. Rodrigo S. Estabillo (Galvan); Kgg. Fernando Alfonso (San Andres); Kgg. Rolando Santiago ( Macapabenlag); Kgg. Vicente C. Baligad (San Miguel); Kgg. Ruben L. Bautista (Camiing)